LOOK: Maiden flight ng PCG sa bagong airbus helicopter

Nagsagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isa sa dalawang bagong airbus helicopter sa PCG National Headquarters sa Maynila, Miyerkules ng umaga.

Pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia ang maiden flight ng H145 light twin engine helicopter na nagmula sa Germany.

Ang H145 ay isang 4-tonne-class twin-engine helicopter na mayrrong high frequency radios, emergency flotation gear, fast roping, cargo sling, search light, at electro-optical systems.

Magagamit ang helicopter para makapagkasa ng critical missions tulad ng search and rescue, medical evacuation, maritime patrol, at maritime law enforcement.

Nagkakahalaga ang bawat helicopter ng P685 milyon.

Sinabi ng PCG na bahagi ito ng kanilang Light to Medium Multi-Purpose Twin Engine Helicopter Acquisition Project.

Tiniyak pa ng ahensya na ang gagamit na PCG personnel sa dalawang bagong helicopter ay nagtapos ng comprehensive training sa Germany noong nakaraang taon.

Read more...