Konstruksyon ng Albuera Port sa Leyte, tapos na

Tapos na ang konstruksyon sa Albuera Port sa Leyte, ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa kagawaran, 100 porsyento nang nagawa ang concrete pier at back-up area ng pantalan.

Dahil dito, handa na anila ito na magsilbi bilang ‘reserve port’ para ma-decongest ang pantalan sa Ormoc.

Sinabi pa ng DOTr na lubos din itong makatutulong sa pamumuhay ng mga residente ng Albuera lalo na ang mga
mangingisda.

Kasunod nito, inaasahang makakatulong ang Albuera Port para maiangat ng antas ng turismo sa lugar.

Read more...