Mga turistang Pinoy bawal pumunta ng South Korea; Mga turistang galing Gyeongsang, bawal sa Pilipinas

Nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa South Korea dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Base na rin ito sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, bawal na munang bumiyahe ang lahat ng turistang Filipino patungog South Korea.

Maari namang bumiyahe ang mga overseas Filipino worker (OFW) na mga permanent resident o ang mga mayroong study grant sa alinmang bahagi ng South Korea.

“The Inter-agency has authorized Filipinos to travel to South Korea, provided they are permanent residents thereof, or leaving for study, or are OFWs. They are to execute and sign of declaration signifying their knowledge and understand of the risk involved prior to their travel,” ani Panelo.

Samantala, ayon kay Panelo, bawal nang pumasok muna sa Pilipinas ang mga traveler na galing ng North Gyeongsang province, South Korea.

Epektibo kaagad ang travel ban.

Pag-aaralan pa aniya ng task force sa loob ng 48 oras kung palalawakin pa ang travel ban.

“The Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Disease met today and it has approved to impose a ban on the entry of travelers coming from the North Gyeongsang province of South Korea into Philippine territory effective immediately. With respect to other parts of South Korea, the IATF shall conduct a risk assessment of the situation within 48 hours to analyze whether it is necessary to expand the travel ban. In the meantime, strict protocols to travelers entering the country from these areas in South Korea will continue to be observed,” ayon pa kay Panelo.

Ayon kay Panelo, ang kapakanan ng mga Filipino ang pangunahing inaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The safety of Filipinos here and abroad remain our primary concern. Our countrymen’s welfare is foremost in the mind of the President and as well as concerned officials,” dagdag ni Panelo.

Sasailalim naman sa parehong health protocols ang mga traveler na manggaling sa South Korea.

Ibig sabihin, sasalang sa 14 araw na quarantine period sa Pilipinas.

Sa pinakahuling tala sa South Korea, 11 katao na ang nasawi habang mahigit 1,000 kabilang na ang isang Amerikanong sundalo ang tinamaan ng COVID-19.

Read more...