Agno, Pangasinan niyanig ng magnitude 3.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Agno, Pangasinan Miyerkules ng hapon.

Sa datos ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 101 kilometers Southwest ng Agno dakong 1:39 ng hapon.

16 kilometers ang lalim at tectonic ang origin ng lindol.

Samantala, unang yumanig ang magnitude 3.3 na lindol sa Sarangani, Davao Occidental.

Tumama ang lindol sa 119 kilometers Southeast ng Sarangani bandang 1:13 ng hapon.

14 kilometers naman ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Kapwa walang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang dalawang pagyanig.

Read more...