Ito ay sa harap ng pagsasailalim sa kanila sa 14-day quarantine matapos ma-repatriate mula sa Japan.
Sa panayam kay Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi nito na kailangan talagang sumailalim sa quarantine ang mga crew member lalo’t maraming naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa cruise ship.
Huwag aniyang mag-alala ang mga crew dahil sa oras na matapos ang quarantine sa kanila ay ihahanda na sila sa re-deployment.
Sinabi ni Bello na ang Magsaysay Maritime Corporation ay nakausap na ng DOLE at sinigurong lahat ng mga crew ay makakasampa muli sa mga barko.
Kinumpirma naman ni Bello na sa 538 Filipino crew ay nasa 80 lamang ang nagpaiwan sa MV Diamond Princess.
Nauna nang sinabi ni Bello na may ilalaang P10,000 cash aid sa bawat Filipino crew ng cruise ship na ibibigay pagkatapos ng 14 na araw na quarantine sa New Clark City o NCC sa Tarlac.