SC ipinagpaliban ang paglabas ng desisyon sa kaso ng ABS-CBN sa loob ng dalawang linggo

Hindi muna inaksyunan ng Korte Suprema ang petisyon para sa quo warranto na inihain ng Office of the Solicitor General (OSG) laban sa ABS-CBN.

Matapos ang ginawang en banc session ng Korte Suprema wala muna itong inilabas na aksyon sa petisyon.

Sa halip ayon kay Supreme Court PIO chief Atty. Brian Keith Hosaka, tatalakayin muli ng mga mahistrado ang usapin sa March 10, 2020.

Layon nitong mabigyan ng pagkakataon pa ang mga mahistrado na busisiin pa ang pleadings na isinumite ng magkabilang partido.

Kabilang na dito ang kahahain lamang na komento ng ABS-CBN.

Read more...