Sabi ni Cayetano, mayroon siyang sariling pamamaraan ng leadership at ayaw niya ng bara-bara sa trabaho na hindi muna pinag-aaralan.
Ilang beses na rin naman aniyang naipaliwanag kung bakit niya gusto ng maayos at patas na hearing pagdating sa franchise bills ng Lopez-led company.
Kaugnay nito, iginiit ni Cayetano na hindi siya magpapa-pressure sa media kaugnay sa paggamit ng isyu ng ABS-CBN franchise.
Aalis lamang anya siya sa pwesto kung talagang ayaw na siya ng mayorya ng Kamara.
Matatandaang sinabi ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza sa isang forum na magresign na lamang sina Cayetano at Palawan Rep. Franz Alvarez kung hindi aaksyunan ang franchise renewal ng ABS-CBN.