Pangulong Duterte niregaluhan ng sculpture

Isang sculpture ang iniregalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Senador Bong Go, si Police Major General Gilbert Cruz ang ang nag-conceptualized ng artwork at ginawa ng artist na si Lucky Salayog.

Ayon kay Go, sumisimbolo ang sculpture sa dedikasyon ni Pangulong Duterte na protektahan ang mga inosenteng sibilyan sa lawlessness at oppression.

Sumasalamin din aniya ang sculpture sa matibay na paninindigan ni Pangulong Duterte na pangalagaan ang interest ng sambayanang Filipino mula sa korapsyon at iba pang uri ng pang-aabuso.

Ibinigay ang sculpture sa Malakanyang kagabi.

Read more...