Ayon kay PCSO general manager Jose Ferdinand Rojas II, noong January 23 lotto draw pa nanalo ang nasabing lalaki pero dahil malayo ang pinagmulan nito, hindi siya agad nakaluwas ng Metro Manila para makuha ang kaniyang premyo.
Nakuha ng nasabing lolo ang wining number combination na 4-12-19-25-29-35 sa 6/42.
Sa kabuuan, umabot sa P49,562,348 ang naiuwing premyo ng lolo.
Sinabi ni Rojas na sa panayam nila sa matanda, sinabi nitong matagal na siyang tumataya sa lotto dahil sa pag-asang siya ay mananalo.
Labingapat umano ang kaniyang anak at nais niyang matulungan ang mga ito.
MOST READ
LATEST STORIES