Naitalang kaso ng birth defect sa Brazil dahil sa Zika, mahigit 4,000 na

Reuters Photo
Reuters Photo

Umabot na sa mahigit 4,000 ang naitatalang kaso ng birth defect sa Brazil dahil sa Zika virus.

Sa datos na inilabas ng Brazilian Health Ministry, as of January 30, 2016, umabot na sa 4,074 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng microcephaly sa mga bagong silang na sanggol.

Sa loob lamang ng isang linggo, nakapagtala agad ng mahigit 300 bagong kaso ng neurological condition na microcephaly.

Ang nasabing sakit ay nagdudulot ng abnormalidad sa sukat ng ulo ng mga isinisilang na sanggol at nagdudulot ng brain defect sa kanila.

Samantala, sa Sydney, Australia, dalawang residente ang nag-positibo sa Zika virus.

Ayon sa ulat ng Australian health officials, kagagaling lamang ng dalawa sa Caribbean.

Nabatid na sinuri ang dalawa noong Biyernes at nagpositibo ang mga ito sa naturang sakit.

Ang World Health Organization (WHO) ay nagdeklara na ng global health emergency dahil sa Zika virus.

Read more...