Matteo Guidicelli nagsalita na hinggil sa nangyari sa secret wedding nila ni Sarah Geronimo

Binasag na ni Matteo Guidicelli ang katahimikan matapos ang kontrobersiyal na kasal nila ni Sarah Geronimo.

Sa Facebook Page ni Matteo, kinumpirma ang pagpapakasal nilang dalawa noong February 20, 2020.

Ayon sa dalawa, nagpasya silang gawaing pribado at intimate ang okasyon.

Pinasalamatan din nila ang kanilang mga kaibigan, pamilya at lahat ng nagbibigay ng suporta sa social media na pinagkukuhanan nila ng inspirasyon at lakas.

Nakasaad sa post na “almost perfect” ang gabi ng kasal hanggang sa mangyari ang hindi inaasahan.

Sinabi rin ni Matteo na wala siyang sinuntok na kahit na sino.

Sinabi ni Matteo na poprotektahan niya ang kaniyang asawa.

“That evening was almost perfect until some unexpected events took place, but don’t worry I never “punched” anyone. I will forever stand up and protect my wife just as how my father would protect my whole family,” ayon kay Matteo.

Pinasalamatan din ni Matteo ang kaniyang pamilya sa pagmamahal kay Sarah na parang isang tunay na anak.

Read more...