LGUs dapat may sariling impounding areas – DILG

Inatasan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga lokal na pamahalaan na magtalaga ng impounding areas sa kani-kanilang nasasakupan.

Ito ay para paglagyan ng mga sasakyang mahahatak dahil sa ilegal na pagparada.

Sa memorandum circular na nilagdaan ni Interior Sec. Eduardo Año lahat ng mga lungsod at bayan ay dapat may kani-kaniyang impounding areas.

Lahat ng sasakyan na mahahatak dahil sa road obstructions ay dadalhin sa impounding area habang nasa proseso ng pagre-release dito.

Kasama sa pinadadala sa impounding areas ang mga tricycle na mahuhuli dahil sa mga paglabag.

Read more...