52 panibagong bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 naitala sa China

Nakapagtala ng 52 panibagong bilang ng nasawi sa China dahil sa COVID-19.

Ito na ang pinakamababang bilang ng nasawi sa naitala sa China sa nakalipas ng mahigit tatlong linggo.

Dahil dito umakyat na sa 2,715 ang death toll sa China.

Mayroon namang 49 pang ibang nasawi sa iba pang mga apektadong bansa.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

Iran – 16
South Korea – 12
Italy – 11
Japan – 5 (including 4 from Diamond Princess)
Hong Kong – 2
Taiwan – 1
France – 1
Philippines – 1

Read more...