Water level ng Angat dam nadagdagan sa nakalipas na magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo February 26, 2020 - 07:12 AM
Nadagdagan pa sa magdamag ang antas ng tubig ng Angat dam.
Sa abiso ng PAGASA hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong araw ay 202.41 meters ang water level ng dam.
Mas mataas kumpara sa 202.23 meters kahapon.
Walang pagbabago sa antas ng tubig ng Ipo dam na nasa 100.06 meters.
Habang nabawasan naman ang water level ng La Mesa dam na nasa 77.48 meters.
Ang iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang water level maliban sa Ambuklao dam na bahagyang nadagdagan ang antas ng tubig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.