Silangang bahagi ng bansa apektado ng easterlies; amihan muling iiral simula mamayang hapon

Easterlies pa rin ang nakaaapekto sa Silangang bahagi ng bansa.

Base sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, mainit na panahon ang mararanasan sa buong bansa dahil sa mainit na hangin na mula sa Pacific Ocean.

Sa Metro Manila at sa nalalabi pang bahagi ng Luzon bahagyang maulap na papawirinlamang ang iiral ngayong araw na mayroong isolated na pag-ulan.

Ganito rin ang lagay ng panahon na iiral sa buong Visayas at sa Mindanao.

Dahil sa easterlies, nakataas ang gale warning sa ilang baybaying dagat ng bansa at bawal na pumalaot ang mga sasakyan pandagat sa sumusunod na mga lugar:

– Northern at Eastern coasts ng Catanduanes
– Eastern coast ng Albay kabilang ang Rapu-rapu at Batan Islands
– Eastern coast ng Sorsogon
– Northern at Eastern coasts ng Samar Provinces
– Dinagat Islands
– Siargao
– Surigao Del Sur
– Davao Oriental
– Davao Occidental

Wala namang sama ng panahon na binabantayan ang PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Mamayang hapon ayon sa PAGASA, inaasahan ang pagbabalik ng amihan o northeast monsoon at maapektuhan ang Luzon at Visayas.

Tatagal hanggang Huwebes ang pag-iral ng amihan, pero sa Biyernes ay babalik ang pag-iral ng easterlies.

Read more...