3 arestado sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Zamboanga; mahigit P1M halaga ng droga nakumpiska

Tatlo ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Zamboanga City, Martes ng gabi (February 25).

Unang naaresto ang isang 19 taong gulang na dalaga na nagbebenta umano ng ilegal na droga sa Barangay Rio Hondo.

Ayon kay Police Captain Albin Cabayacruz, hepe ng Police Station 10, minamanmanan nila ng ilang araw ang mga galaw ng naarestong suspek.

Nakumpiska sa dalaga ang 3 malaking pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon.

Itinanggi naman ng dalaga na isa siyang tulak ng ilegal na droga.

Samantala sa sa Barangay Tulungatungn naman naaresto ang isang mag-ama na nagbebenta din umano ng ilegal na droga.

Ayon kay Police Major Elmer Solon, hepe ng Police Station 11, nakumpiska sa mag-ama ang 19 na sachet na naglalaman ng droga.

Dagdag pa ni Solon, suspek din ang naarestong ama sa insidente ng pamamaril sa Barangay Canelar noong January 31, 2020 kung saan namatay si Wilfred Tan, auditor ng isang kooperatiba ng taxi cab units habang sugatan naman ang asawa nito na si Wilma.

Read more...