2 sugatan sa banggaan ng bus at taxi sa QC

Dalawa ang nasugatan sa aksidente na naganap sa bahagi ng E. Rodriguez Avenue sa Quezon City.

Sangkot sa aksidente ang isang taxi at isang pampasaherong bus.

Nagkasalpukan ang dalawang sasakyan pagsapit sa kanto ng Monte de Piedad at E. Rodriguez Avenue sakop ng Brgy. Immaculate Concepcion.

Ang dalawang nasugatan ay sakay ng taxi.

Wasak na wasak ang unahan at kaliwang bahagi ng taxi at basag din ang windsiheld nito.

Iniimbestigahan pa ng Quezon City traffic sector kung ano ang naging dahilan ng aksidente.

 

Read more...