7 arestado sa buy-bust sa Makati

Arestado ang pito katao sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng mga otoridad sa Makati.

Unang nadakip sina alyas Ryan at alyas Carlito sa Brgy. Pio del Pilar matapos mahulihan ng 6 na gramo ng shabu.

Sa Brgy. Cembo, naaresto naman ang apat pang suspek na sina Susan, Rodel, Gerans at Nemesio.

Itinanggi ng apat na nagbebenta sila ng shabu pero aminadong gumagamit sila ng ilegal na droga.

Sa Brgy. Palanan nahuli naman ang isang water na si alyas Randy.

Ito ay matapos magpositibo ikinasang buy-bust ng pulisya laban kay Randy.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, aabot sa P72,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska sa pito.

Read more...