Isa ang patay, higit 10 ang sugatan sa aksidente sa Nasugbu Batangas

nasugbu batangasNasawi ang pahinante ng isang trailer truck matapos bumangga sa isang bus sa bahagi ng Nasugbu sa Batangas.

Naganap ang aksidente Miyerkules ng umaga, sa pagitan ng isang bus na patungo ng Maynila galing San Agustin, Batangas at isang 16-wheeler trailer truck na patungo sa Nasugbu at galing sa Tagaytay.

Nasawi ang hindi pa nakikilalang pahinante ng truck matapos na maipit sa nasabing sasakyan.

Ayon kay Police Insp. Diana del Rosario, hepe ng Nasugbu police station, nawalan umano ng kontrol ang driver ng trailer truck kaya bumangga ito sa bus.

Sinabi ni del Rosario na ang mga nasugatang pasahero ng bus ay dinala sa Metropolitan Medical Center sa Nasugbu.

Read more...