Utos ni Durante sa PSG: “Leave no mistakes”

Photo grab from PCOO Facebook live video

“Leave no mistakes.”

Ito ang naging mahigpit na utos ni bagong Presidential Security Group (PSG) commander Colonel Jesus Durante sa sa kanyang mga tauhan para masiguro ang kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng kanyang pamilya.

Sa change of command sa PSG compound sa Malacañang Park, Manila, sinabi ni Durante na wala kasing naging pangulo ng bansa ang naging katulad ni Pangulong Duterte na naging mapangahas at matapang sa pagharap sa oligarchs, oposisyon, at associates na sinamantala ang cyber age facilities at online communication.

Hindi rin aniya matatawaran ang matibay na paglaban ng pangulo sa korupsyon, ilegal na droga, kriminalidad, Islamic
extremist groups, Abu Sayyaf, ISIS, komunistang grupo at iba.

Ayon kay Durante, patuloy na tinitira at sinisiraan ang pangulo sa kabila ng low profile ng pangulo, karisma at hatak sa
taong bayan.

Hindi aniya ito maikakaila dahil sa mataas na popularity rating ng pangulo na pumalo pa sa 87 percent.

Pero ayon kay Durante, mas makabubuting hayaan na lamang ang mga kritiko ng pangulo at tutukan na lamang ang
pagbabantay sa pangulo para masiguro ang kanyang seguridad at ng kanyang pamilya.

“Always bear in mind that the security gadgetry we possess will only be as effective as the people that use them. Leave the critics behind,” ayon kay Durante.

Hindi naman aniya ang mga kritiko ang dapat na alalahanin ng PSG troopers lalo na ang mga nasa frontliner kundi ang
kaligtasan ng pangulo na handang magsugal ng buhay.

“It is not the critic that counts but to us PSG room for troopers who risk our lives in the frontline,” pahayag nito.

Read more...