DOLE, nagbabala sa mga pekeng alok na trabaho sa Canada

Naglabas ng babala ang Department of Labor and Employment (DOLE) ukol sa mga nagkalat na alok ng trabaho sa Yukon, Canada.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, napag-alaman ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) na ilang Filipino ang natutuksong tumanggap ng trabaho mula sa isang scammer.

Ginagamit umano ng scammer ang pangalan ng website ng totoong Yukon Human Resources practitioner.

Ayon pa sa mga otoridad, pinagbabayad nito ang mga Filipino ng US$440 kapalit ng pekeng trabaho.

Ani Bello, suriing mabuti kung totoo ang mga inaalok sa trabaho sa pamamagitan ng website ng Philippine
Overseas Employment Administration (POEA) na poea.gov.ph.

Agad ding aniyang i-report ang mga kahina-hinalang alok na trabaho sa info@poea.gov.ph.

Read more...