Suspensyon ng public masses sa Hong Kong, pinalawig bunsod ng COVID-19

Pinalawig ng Catholic Diocese of Hong Kong ang suspensyon ng public masses sa bansa.

Sa inilabas na pahayag, ito ay bunsod ng nagpapatuloy na pagdami ng kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Sinabi nito na suspendido pa rin ang mga communal religious activities maliban lamang sa mga kasal at libing.

Mananatili naman anilang bukas para sa personal prayers ang parochial churches at affiliated chapels.

Makakapili naman anila ang publiko ng mga alternatibong paraan para makadalo ng misa tuwing Linggo.

Maari anilang manood ng Sunday Mass online o kaya ay mag-reflect sa Sunday liturgical text, magbasa ng Bible at iba pa.

Pwede ring makiisa ang publiko sa online services tulad ng daily Masses, formation programmes at iba pang spiritual exercises tulad ng daily morning prayer na Rosary at Angelus sa pamamagitan ng pagbisita sa kanilang website na catholic.org.hk.

Hinikayat din nito ang publiko na manatili na lamang sa kani-kanilang tahanan kung walang importanteng lakad at iwasan ang pagpunta sa matataong lugar.

Read more...