Unang batch ng mga Filipinong sakay ng cruise ship sa Japan, pabalik na ng Pilipinas

Nasa biyahe na pauwi ng Pilipinas ang ilang Filipinong sakay ng nakadaong na M/V Diamond Princess cruise ship sa Yokohama, Japan ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Ayon kay DFA Undersecretary Brigido Dulay, kabilang sa unang batch ang 309 Filipino repatriates mula sa nasabing cruise ship.

Sa mga larawang ibinahagi ng kagawaran, makikitang nakasakay na ang mga Filipino sa loob ng eroplano.

Inaasahang darating ang eroplano ng Filipino repatriates sa Clark, Pampanga bago ang 9:00 ng gabi.

Read more...