Palasyo, nakiusap sa pribadong sektor na huwag ibawas sa leave credit ang mga empleyadong sasailalim sa quarantine dahil sa COVID-19

Umaapela ang Palasyo ng Malakanyang sa pribadong sektor na huwag ikaltas sa leave credit ang mga manggagawang pinaghihinalaang tinamaan ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sasailalim sa 14 araw na quarantine period.

Ayon kay Cabinet secretary Karlo Alexi Nograles, wala namang may gusto na tamaan ng naturang sakit at lumiban sa
trabaho ng dalawang linggo.

Pinasasalamatan aniya ng Palasyo ng Malakanyang ang Civil Service Commission (CSC) sa pagpapalabas ng memorandum circular number 5 series of 2020 na hindi ikakaltas sa leave credit ang 14 na quarantine period sa mga public sector official at empleyado na nagpakita ng sintomas ng COVID-19.

“In this light, we thank the Civil Service Commission for clarifying through Memorandum Circular No. 5 series of 2020
issued last February 20, that the absence of public sector officials and employees during the 14 calendar days
prescribed for self-quarantine, including those who were diagnosed with COVID-19 during the said period shall not be
deducted from earned leave credits. We appeal to the private sector to consider extending the same benefit to their
employees,” ani Nograles.

Base sa talaan ng Department of Health (DOH), mahigit sa 100 ang ‘patients under investigation’ (PUI) na naka-admit sa ospital at 474 PUIs naman ang na-discharge na at negatibo sa COVID-19.

Read more...