Ilang dumalo sa pagdinig ng ABS-CBN franchise renewal, tinawag na sipsip at epal ni Cayateno

Kinastigo ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang aniya’y mga “sipsip” at “epal” na dumalo sa pagdinig ng franchise
renewal ng ABS-CBN para lamang makakuha ng pabor sa broadcast giant.

Muli namang inulit ni Cayetano na hindi papayagan ng Mababang Kapulungan na magsara o mag-off-air nang kahit
isang minuto lamang ang ABS-CBN, pero gusto niya na busisiin ang mga alegasyon laban sa TV network.

Sabi ni Cayetano na wala namang kuwestiyon sa ibang mga nagmamalasakit lang at mga solid supporters ng ABS-CBN, pero ang iba ay OA na aniya o overacting.

Tanong ni Cayetano, para saan ba ang hearing ng Senado?

Para sa kanya ay mahalaga ang franchise renewal ng ABS-CBN pero hindi iyon kasing urgent ng iba pang mga nakabinbin na panukala na kailangang i-prayoridad.

Read more...