BI may babala sa mga dayuhan na makikilahok sa mga rally ngayong EDSA people power anniversary

Nagpa-alala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhan na lalahok sa political activities sa bansa kaugnay ng EDSA People Power Revolution Anniversary.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, aarestuhin at ipapadeport ang sino mang dayuhan na lalahok sa mga kilos protesta ngayong araw.

Maari rin aniya silang mailagay sa blacklist ay hindi na papayagang makabalik ng Pilipinas.

Nilinaw ni Morente na mga Pilipino lamang ang pinahihintulutan sa ilalim ng batas ng Pilipinas na lumahok sa political activities.

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Morente na wala silang natatanggap na intelligence report hinggil sa mga banyagang nagbabalak na lumahok sa mga demonstrasyon ngayong araw.

Read more...