71 na panibagong nasawi sa COVID-19 naitala sa China; global death toll halos 2,700 na

Nakapagtala ng panibagong 71 bilang ng nasawi sa China dahil sa COVID-19.

Dahil sa panibagong bilang ng mga nasawi, umabot na sa 2,663 ang death toll ng COVID-19 sa China.

Mayroon namang 36 na nasawi sa iba pang panig ng mundo kabilang ang sa sumusunod na mga bansa:

12 – Iran
8 – South Korea
7 – Italy
4 – Japan (3 ay mula sa MV Diamond Princess)
2 – Hong Kong
1 – Taiwan
1 – Pilipinas
1 – France

Umabot na sa mahigit 80,000 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng sakit.

Mahigit 77,000 dito ay sa China.

Sa South Korea umakyat na sa 833 ang bilang ng kaso ng COVID-19, 691 na ang kaso sa Diamond Princess, 299 sa Italy, at 159 sa Japan.

Sa nakalipas na magdamag ay nakapagtala ng 18 panibagong kaso sa Amerika na pawang mga inilikas na pasahero mula sa Diamond Princess dahilan para umakyat na sa 53 ang kaso ng COVID-19 sa US.

Read more...