Simbahan ng Quiapo handa na Ash Wednesday

Handa na ang Minor Basilica of the Black Nazarene o ang Simbahan ng Quiapo sa Maynila para sa Ash Wednesday na isasagawa na bukas.

Sa abiso nito, may misa kada oras sa Simbahan ng Quiapo simula alas 5:00 ng umaga hanggang alas 12:15 ng tanghali; at mula alas 3:00 ng hapon hanggang alas 7:00 ng gabi.

May ilang paalala naman ang Simbahan ng Quiapo sa mga deboto na dadagsa bukas para sa Miyerkules de Ceniza.

Sa paglalagay ng abo, hindi na sa noo kundi sa bunbunan na ibubudbod ang abo, alinsunod sa guidelines na inilabas ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP bilang pag-iingat laban sa Corona Virus Disease o COVID-19.

Sa loob ng Quiapo Church, ang mga taong nasa pinaka-unahan ng simbahan ang makakapila para sa pagbubudbod ng abo upang hindi maantala ang pagdiriwang ng misa.

Ang mga taong hindi naman malalagyan ng abo sa loob ng simbahan, maaaring magtungo sa mga ilalagay na tent sa labas ng Quiapo Church partikular sa Quezon Boulevard, Plaza San Juan Bautista, Plaza Miranda.

Ang mga Lay Minister ang maglalagay ng mga abo, pagkatapos ng bawat misa.

Ang Miyerkules ng Abo ay hudyat ng Semana Santa, at mahalagang araw ng pag-aayuno.

Kaya paalala sa lahat ng pamunuan ng Quiapo Church, lalo na sa mga nasa hustong gulang ang obligasyon ng pagbabawas sa pagkain, ang pagkukumpisal, pagkawanggawa, pag-aalay ng panalangin at pagpepenitensya.

Read more...