Repatriation flight na susundo sa mga Pinoy mula MV Diamond Princess nakaalis na ng NAIA

Nakaalis na sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang unang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) na susundo sa mga Pinoy mula sa MV Diamond Princess.

Umalis ng NAIA ang unang repatriation flight alas 11:00 ng umaga.

Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Rigido Dulay lulan ng eroplano ang Rapid Response Team ng Department of Foreign Affairs (DFA)

Inaasahang darating sila sa Haneda Airport alas 4:27 ng hapon.

Dalawang chartered flight ang susundo sa mahigit 400 Pinoy na mula sa MV Diamond Princess.

Read more...