May listahan na ang ministry ng mga pangalan ng mga Tsino na diumano ay sangkot cross-border telecommunications fraud sa buong mundo.
Nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration (BI) sa Chinese Embassy para i-monitor, hulihin at ipa-deport ang mga ito.
Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, kailangan munang ikansela ang pasaporte ng mga sangkot na Chinese nationals bago sila tugisin.
Nagpaalala naman ang Chinese Government sa kanilang mga kababayan na sundin ang batas sa Pilipinas sa gitna ng kontrobersiya sa “pastillas scheme” na naging sanhi para makalusot sila sa immigration processs kapalit ng P10,000 bayad.