Ang Daegu City ang sentro ng kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa South Korea.
Ayon kay Consul General Christian de Jesus, tinitiyak mismo ng mga employer na maging ligtas sa sakit ang kanilang mga empleyado.
Ang 4,000 Pinoy ay nananatili sa kanilang dormitory sa loob ng pabrika.
Inabisuhan na rin silang iwasan ang paglabas-labas kung hindi naman importante ang lakad.
Namahagi na rin ng face masks ang mga employer para sa kanilang mga empleyado.
Sinabi naman ni De Jesus na walang Pinoy na naapektuhan ng COVID-19 sa South Korea.
READ NEXT
BI may babala sa mga dayuhan na makikilahok sa mga rally ngayong EDSA people power anniversary
MOST READ
LATEST STORIES