Pangulong Duterte ‘no show’ sa EDSA People Power Anniversary; change of command sa PSG pangungunahan

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa anumang aktibidad na gagawin ngayonr araw para sa paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi na dapat na pilitin ang pangulo na dumalo sa aniberdaryo ng EDSA People Power kung ayaw nito.

Sa halip na dumalo sa anibersaryo ng EDSA People Power, pangungunahan ni Pangulong Duterte ang change of command sa Presidential Security Group (PSG) mamayang alas 5:00 ng hapon sa Malakanyang.

Itinalaga kasi ni Pangulong Duterte ang full blooded na scout ranger na si Colonel Hesus Durante bilang bagong PSG commander kapalit ni Brig. General Jose Eriel Niembra na magiging brigade commander ng 701 Infantry Brigade sa 7th Infantry Division ng Philippine Army (PA) sa Mati, Davao Oriental.

Read more...