Spa na nag-aalok ng extra service sinalakay sa Makati City; 12 babae ang nailigtas

Nailigtas ang 12 babae na nagtatrabaho sa isang spa na ginagamit din bilang prostitution den sa Makati City.

Ayon kay Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, nag-aalok ng extra service ang spa at ang mga babae ay iniaalok sa mga kliyente.

Naaresto naman ang kahera ng spa na nadatnan nang salakayin ang pasilidad na nasa Brgy. Poblacion.

Iniimbestigahan din ang dalawang houseboy at tatlong Chinese National na pawang kliyente umano ng spa at nadatnan sa lugar.

Mahaharap ang kahera sa kasong paglabag sa human trafficking.

Read more...