2 Chinese national na biktima umano ng kidnapping nailigtas sa Pampanga; 2 suspek arestado

Naaresto ang isang Filipino na suspek sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Clark, Pampanga, Lunes (February 24).

Ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe Luzon Field Unit ng Philippine National Police Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), isinagawa ang operasyon matapos lumapit sa kanila ang mga kaibigan ng mga biktima kaugnay sa insidente ng kidnapping.

Nasagip naman ng mga otoridad sa isang hotel ang 2 Chinese national na umano’y biktima ng kidnapping.

Nakuha sa naarestong suspek ang baril, mga bala ng baril, posas, kutsilyo at bag.

Naaresto naman ang isa pang Chinese national na suspek sa follow-up operation sa isa pang hotel.

Isang mini-van na pinaniniwalaang ginamit ng mga suspek naman ang nakumpiska sa ikalawang hotel.

Read more...