Canteen ng Sugar Regulatory Administration, nasunog

Kuha ni Ricky Brozas
Kuha ni Ricky Brozas

Tinupok ng apoy ang canteen sa ground floor ng Sugar Regulatory Administration (SRA) sa Agham Road kanto ng North Avenue sa Quezon City.

Nagsimula ang pagsiklab ng apoy alas 4:20 ng umaga.

Ayon kay Quezon City Fire Department Chief, Jesus Fernandez, maagang dumating sa canteen ang cook na si Vicente Dadivas para magsaing.

Habang kumukuha aniya ng bigas si Dadivas ay nakarinig ito ng malakas na putok mula sa kisame na pinagmulan na ng apoy. Agad kumalat ang usok sa ground floor.

Alas 4:54 ng umaga nang maideklarang under control na ang sunog sa SRA.

Read more...