Ulat na may Pinoy na tinamaan ng Zika virus sa Honduras, biniberipika ng DFA

 

Biniberipika na ng Department of Foreign Affairs ang ulat na may isang Pilipino ang tinamaan ng Zika virus sa Honduras.

Ayon kay Foreign Affairs spokesman Charles Jose, wala pa silang natatanggap na kumpirmasyon sa naturang report ngunit kanilang minarapat na agad nang alamin ang katotohanan sa likod nito.

Bukod sa Honduras, may natanggap ring ulat ang DFA na isang Pinay din ang nagkaroon ng Zika virus sa Caribbean islands.

Sa Southeast Asia, naiulat na ang pagkakaroon ng mga kaso ng Zika infection sa Thailand, Taiwan at Malaysia samantalang nanatili namang Zika-free ang Pilipinas.

Idineklara nang isang global emergency ng World Health Organization ang pagkalat ng Zika virus partikular sa mga bansa sa Latin Amerika.

Ang Zika virus ang itinuturong dahilan ng microcephaly sa mga bagong silang na sanggol sa naturang rehiyon.

Read more...