Tradisyon na “Kumpisalang Bayan” sa Semana Santa 2020, kinansela ng Diocese of Antipolo bilang pag-iingat sa COVID-19

Inanunsyo ng Diocese of Antipolo na kanselado ang kanilang “Kumpisalang Bayan” sa paparating na Semana Santa 2020.

Paliwanag ng Office of the Chancellor ng Diyosesis ng Antipolo, nagpasya sila na ipagpaliban ang Kumpisalang Bayan bilang precautionary measure o pag-iingat at pag-iwas sa posibleng pagkalat ng Coronavirus Disease o COVID-19.

Naabisuhan na ang mga pari at miyembro ng bawat parokya maging ang mga deboto, sa pamamagitan ng circular letter na inilabas para kanselasyon ng Kumpisalang Bayan ngayong Kwaresma.

Ang resumption naman o panibagong petsa ng naturang aktibidad ay depende sa magiging resulta ng assessment at development ukol sa COVID-19.

Pero nililinaw ng Diyosesis na ang mga parokya na nasa ilalim nila ay dapat magpatuloy sa kani-kanilang regular na scheduled confessions o kumpisalan para sa mga mananampalataya.

Nauna nang naglabas ang Catholic Bishops Conference of the Philippines o CBCP ng guidelines para sa paggunita ng mga Katoliko ng Semana Santa, upang malabanan ang Covid-19.

Read more...