Sa naging press conference ng Committee for the Freedom of Leila De Lima, muling iginiit ng grupo partikular ang nakakabatang kapatid ng senadora na si Vicente De Lima na walang kasalanan si Sen. Leila at umaasa ang kanilang pamilya na itatama ng gobyerno ang kanilang pagkakamali.
Sinabi naman ni dating Commission on Human Rights chairperson Etta Rosales na biktima lamang si De Lima ng political attack ng kasalukuyang admisnitrasyon kung saan maging ang personal na takbo ng buhay nito ay pinakialaman at isinawalat sa publiko.
Ayon naman sa isa sa mga abogado ni De Lima na si Atty. Alex Padilla, hanggang sa ngayon ay wala pa din maiprisentang witness ang kabilang panig na siyang magdidiin sa senadora pero handa silang maghinatay hanggang buwan ng mayo para maipakita ng prosekusyon ang lahat ng 54 na witnesses laban sa senadora.
Kasama din sa nagbigay suporta kay Sen. De Lima si Dean Toby Lavina kung saan ngayong araw ang ikatlong taon pagkakakulong ng senadora sa mga kasong may kinalaman umano sa iligal na droga.