South Korea pumapangalawa na sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19

Ang South Korea na ang ikalawang bansa na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 kasunod ng China.

Sa nakalipas na magdamag, inulat ng South Korea ang pagkakaroo ng 161 na panibagong kaso ng sakit.

Dahil dito umakyat na sa 763 ang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa South Korea.

May naitala ding isang panibagong nasawi ayon sa Korea Centers for Disease Control and Prevention.

Isang 62-anyos na lalaki ang pumanaw sa ospital sa southeastern county na Cheongdo.

Sa kabuuan, pito na ang bilang ng mga nasawi sa South Korea dahil sa COVID-19.

Read more...