Nagsumite na ang kanilang komento ang ABS-CBN Corporation kaugnay sa mga petisyon ng Office of the Solicitor General na nakabinbin sa Korte Suprema.
Isa rito ay para sa petisyon ng SolGen na quo warranto na humihiling na mapawalang-bisa sa prangkisa ng ABS CBN Corp. at subsidiary nitong ABS-CBN Convergence Inc., dahil sa alegasyong “high abusive practices.”
Naghain na rin ang kumpanya ng komento sa petisyon ng SolGen na humihirit naman sa SC na mag-isyu ng gag order, para pagbawalan ang ABS-CBN at partido o indibidwal na kumakatawan dito na maglabas ng anumang pahayag na tumalakay sa merito ng prangkisa ng kumpanya.
Ang petisyong quo warranto ay inihain ni SolGen Jose Calida noong February 10, at makalipas ang isang linggo at kanyang inihain naman ang urgent motion para sa gag order.
Ang ABS-CBN ay nauna na ring naglabas ng kanilang statement kung saan iginiit na wala silang nilabag na batas.
Bukas araw ng Martes ay walang en banc session dahil holiday kaya sa Miyerkules na matatalakay ng mga mahistrado ang mga komento ng ABS-CBN.
Hindi pa inaasahang makapagpapalabas ang Korte Suprema ng pasya sa main petition ng SolGen o ang quo warranto, ngunit sa usapin ng gag order ang inaantabayan kung magdedesisyon ang mga mahistro sa En Banc session nila.