DOLE susubukang kumbinsihin ang Honda na huwag isara ang kanilang planta sa Laguna

Susubukan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Department of Trade and Industry (DTI) na himukin ang Honda Cars Philippines na ituloy ang operasyon ng kanilang planta sa Laguna.

Ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello, nakatakda siyang makipagpulong ngayong araw sa management ng HCPI.

Makakasama rin ni Bello sa pulong si DTI Sec. Ramon Lopez.

Tatalakayin ng DOLE at DTI sa HCPI management ang dahilan ng gagawin nitong pagsasara.

Ani Bello, susubukan nilang kumbinsihin ang HCPI na huwag isara ang kanilang planta sa Santa Rosa Laguna.

March 2020 ang unang target date ng Honda sa closure ng kanilang planta sa Laguna.

Mahigit 100 manggagawa ang inaasahang mawawalan ng trabaho sa sandaling maisakatuparan ito.

Read more...