Isyu sa prangkisa ng ABS-CBN isasailalim sa pagdinig ng Senado ngayong araw

Screengrab from official video
[clear]Magdaraos na ng pagdinig ngayong araw ang senado kaugnay sa isyu ng prangkisa ng ABS-CBN.

Alas 10:00 ng umaga sisimulan ang pagdnig ng Senate Public Services Committee kasama ang Economic Affairs Committee at Finance Committee.

Kabilang sa tatalakayin ang inihaing resolusyon hinggil sa pagsunod ng giant network sa terms and conditions na isinasaad sa kanilang prangkisa.

Gayundin ang inihaing resolusyon para sa pagpapalawig ng prangkisa ng network.

At ang pag-amyenda sa Commonwealth Act No. 146 o ang The Public Service Law.

Read more...