Pinoy nagpositibo sa COVID-19 sa South Korea

(UPDATE) Isang Pinoy ang kumpirmadong tinamaan ng COVID-19 sa South Korea.

Ayon kay Department of Health (DOH) Assistant Sec. Rosario Vergeire, kinkalap pa nila ang karagdagang impormasyon hinggil sa nasabing Pinoy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Vergeire na ngayong araw ilalabas ng pamahalaan ang konkretong impormasyon kaugnay sa kalagayan ng Pinoy.

Nagtaas na ng highest level ng alerto sa South Korea dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng sakit.

Una rito ay mayroon na ring Pinoy na nagpositibo sa COVID-19 sa Singapore, United Arab Emirates at Hong Kong.

Habang sa MV Diamond Princess ay 49 na Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19.

Read more...