2 Abu Sayyaf patay; 2 sundalo sugatan sa engkwentro sa Patikul, Sulu

Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) habang dalawang sundalo ang nasugatan sa engkwentro na naganap sa Brgy. Bakong, Patikul, Sulu.

Nakasagupa ng mga tauhan ng 15th Scout Ranger Company ang grupo na pawang tagasunod ni Abu Sayyaf leader Radullan Sahiron at sub-leader Hatib Hajan Sawadjaan.

Nagpapatuloy pa ang clearing operations ng mga sundalo sa pinangyarihan ng sagupaan.

Nakatakas naman ang iba pang miyembro ng Abu Sayyaf.

Ang dalawang sundalong nasugatan ay agad nilapatan ng lunas.

Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng AFP Western Mindanao Command, patuloy ang kanilang opensiba Abu Sayyaf lalo na sa ZamBaSulTa area.

Read more...