9 na bayan sa Isabela isinailalim sa lockdown dahil sa ASF

Ipinagbawal na ang paglabas at pagpasok ng baboy sa at pork products sa siyam na mga bayan sa Isabela dahil sa Africa Swine Fever (ASF).

Kabilang sa mga bayan na sakop ng lockdown ay ang Quezon, Quirino, Mallig, Aurora, ROxas, San Manuel, Gamu, Corodn at Jones.

Ang nasabing mga bayan ay apektado na ng ASF.

Maliban sa Cordon at Jones, ang mga nabanggit na bayan ay malapit sa sa Tabuk City sa Kalinga Province na nauna nang nakapagtala ng ASF noong Enero.

Sa ngayon sinusuri na ng Provincial Veterinary Office ang mga babuyan sa Barnagay Pangal Sur at San Manuel sa bayan ng Echague, Barangay Santos sa Quezon at Barangay Santiago sa Reina Mercedes.

Read more...