Pinayuhan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa South Korea na mag-ingat dahil sa mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.
Payo ng DFA sa mga Pinoy, masusing i-monitor ang sitwasyon at sumunod sa mga abiso ng South Korean health authorities.
Kung mayroong emergency situations, ang mga Pinoy sa South Korea ay maaring tumawag sa emergency hotline number sa Philippine Embassy sa Seoul sa numero bilang (+82) 10-9263-8119.
Kung makararanas naman ng sintomas ng COVID-19 pinapayuhan ang mga Pinoy na agad tumawag sa Korea Center for Disease Control and Prevention (KCDC) sa numerong 1339.
Sa ngayon wala pa namang Pinoy na apektado ng COVID-19 sa South Korea.
Bagaman hindi sakop ng travel ban ang South Korea, pinapayuhan ang mga mamamayan na iwasan muna ang hindi mahahalagang biyahe sa Seoul.