Water level ng Angat dam nabawasan pa sa magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo February 24, 2020 - 07:02 AM

Nabawasan pa ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na magdamag.

Sa abiso ng PAGASA Hydrology, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes (Feb. 24) nasa 202.08 meters ang water level ng Angat.

Mas bumaba pa kumpara sa 202.17 meters na water level nito kahapon ng umaga.

Nabawasan din ang antas ng tubig sa La Mesa dam na nasa 77.54 meters.

Habang walang pagbabago sa water level ng Ipo dam na nasa 100.06 meters.

Ang iba pang mga dam sa Luzon gaya ng Binga, San Roque, Pantabangan, at Magat dams ay pawang nabawasan ang antas ng tubig.

Nadagdagan naman ag water level ng Ambuklao at Caliraya dams.

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, News in the Philippines, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.