Ilegal na Chinese resto sa Pasig City ipinasara ni Mayor Vico Sotto

Ipinag-utos ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagpapasara ng ilegal na Chinese Restraurant sa Pasig City.

Isinilbi ng mga tauhan ng Pasig City Hall ang closure order laban sa Fu Yuan Ji restaurant.

Sinabi ni Sotto na hindi dumaan sa mandatory inspections ang naturang restaurant dahil wala itong business permit.

Ayon sa alkalde, handa silang makipagtulungan sa Bureau of Immigration para mahuli at mapa-deport ang mga Chinese national na sangkot sa ilegal na pagtatrabaho.

Pabor din si Sotto sa hakbang ng pamahalaan laban sa mga ilegal na Philippine Offishore Gaming Operators (POGO).

Read more...