Naitala ang pagyanig sa layong 2 kilometers northwest ng San Isidro alas 2:35 ng madaling araw ng Lunes, Feb. 24.
Ayon sa Phivolcs, tectnic ang origin ng pagyanig at may lalim na 1 kilometer lamang.
Wala namang naitalang intensities bunsod ng lindol.
Samantala, niyanig din ng magkasunod na lindol ang Davao Occidental at Davao Oriental.
Unang naitala ang magnitude 3.3 na lindol Sarangani, Davao Occidental alas 12:00 ng madaling araw.
3 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.
Alas 4:05 naman nang tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Governor Generoso, Davao Oriental.
Naitala ang pagyanig sa 154 kilometers southeast ng Governor Generoso.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang tatlong pagyanig.