P1.3-M shabu nakuha sa Cainta, Rizal

Nasamsam ang 200 gramo ng shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Cainta, Rizal Sabado ng hapon.

Ayon sa pulisya, isinagawa ang operasyon sa bahagi ng Barangay San Isidro dakong 1:40 ng hapon.

Nahuli ng mga otoridad ang suspek na si Noralyn Bundas, 21-anyos.

Nakuha sa suspek ang walong pakete ng shabu na nagkakahalaga ng P1.3 milyon ad isang plastic bag.

Sa ngayon, si Bundas ay nasa kustodiya na ng Marikina City Police Station.

Read more...